Mas makikilala pa ang mga produkto at serbisyo ng Pilipinas sa mga susunod na taon.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ito’y dahil naniniwala siya na kayang makipagsabayan ng bansa sa international market at demand.
Sa ‘Tanyag’ event ng Center for International Trade Expositions and Mission o CITEM sa lungsod ng Taguig, ipinaliwanag ng Presidente na patuloy ang gobyerno sa pagsusulong ng mga reporma na sisiguro na magiging ideal player ang bansa sa export sector.
Maliban dito, lahat aniya ay ginagawa ng pamahalaan upang mas mapaigting pa ang mga impastruktura at mapalawak ang domestic capabilities ng bansa na magpapalago sa industriya.
Sinabi pa ni Pang. Marcos na ang pagpapalakas ng export promotion activities ay makatutulong din upang magbukas ang maraming oportunidad sa pandaigdiang merkado para sa mga maliliit na negosyante.