Pinalalagyan na rin ng Pangulong Rodrigo Duterte ng health warning o babala sa kalusugan ang ilang produktong may asukal.
Ito ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez ay dahil nais ng Pangulo na ipaabot sa consumers maging ang mga posibleng masang epekto sa katawan lalo na ng sobrang asukal.
Nais aniya ng Pangulo na mailagay sa harap ng anumang produktong may asukal ang babala para kaagad itong makita o mabasa ng mga mamimili. kabilang sa mga produktong ito ay soft drinks, sweets tulad ng tsokolate at kendi gayundin ang iba pang matatamis na inumin.