Nagpatupad ng tapyas presyo sa kanilang produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis kahapon, July 23.
P0.25 ang tapyas sa kada litro ng gasolina, P0.20 ang bawas sa kada litro ng diesel habang P0.40 naman ang itinapyas sa kada litro ng kerosene.
Epektibo alas-6 kahapon ng umaga, nagpatupad ang mga kumpaniyang Shell, Eastern Petroleum, PTT Philippines, Flying V, Petro Gazz at Petron.
Una nang nagpatupad ng kanilang Rollback ang Caltex at Clean Fuel habang kahapon pa nag-rollback ang kumpaniyang Seaoil sa kanilang mga produkto.