May sapat na suplay ng produktong petrolyo ang bansa.
Ito ang tiniyak ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, sa gitna ng paglusob ng Russia sa bansang Ukraine.
Dagdag ni Abad, walang dapat ikabahala ang publiko dahil sapat pa ang suplay ng langis sa bansa sa buong taong ito.
Samantala, asahan namang tataas ang presyo nito dahil sa tinatawag na speculative price bunsod ng nangyayaring gulo.
Aniya, hindi direktang bumibili ng langis ang bansa sa Russia, ang mga trading partners naman na China, South Korea, at Japan ay bumibili sa naturang bansa.