Hinamon ni UP Professor Clarita Carlos si Kakie Pangilinan, ang anak ni Senator Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta na gumawa ng 5000 word essay na nagtatanggol sa kaniyang deklarasyon.
Nabatid na sa naging post ni Kakie, sinabi niya na dumalo siya sa isang rally ng kabataan sa Palacio del Gobernador nitong Mayo a-10 upang iprotesta ang umano’y kahina-hinalang “dayaan” sa Comelec.
Sa kasalukuyan kasi, nangunguna parin sa pagkapangulo sa partial and unofficial count of votes ng Commission on Election si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sinundan naman ni Vice President Leni Robredo habang nangunguna naman sa pagkabise-presidente sa partial and unofficial count of votes si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na sinundan naman ni Senator Kiko Pangilinan.
Bukod pa diyan, nabanggit din ni Kakie na wala siyang ituturing na pangulong may apelyidong “Marcos” dahil alam umano ng taumbayan ang tama at mali.
Agad namang nagbigay ng reaksiyon ang naturang professor at sinabing nais niyang maunawaan kung saan nanggagaling ang mga salitang binibitawan ng anak ni Senator Pangilinan.
Sa ngayon, wala pang reaksiyon si Kakie tungkol sa nasabing isyu.