Hinimok ng isang political analyst si Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos, Jr. na gamitin ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) para higit na maging maayos ang mga legislation sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Ayon kay Associate Professor Jean Franco ng UP College of Political Science, ang LEDAC ang mangangasiwa nang pagpapalaganap ng legislative agenda sa Senado at Kamara.
Ang LEDAC ay binubuo ng 20 miyembro kabilang ang pangulo, pangalawang pangulo, senate president at house speaker.