Programa kapalit nang tuluyang pag-phase out ng mga matatandang school service.
Ito pa rin ang iginigiit sa DWIZ ni Alliance of Transport Organizations (ACTO) President Efren de Luna sa gitna nang pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ikakasa na nila simula ngayong araw na ito ang mahigpit na pagbabawal sa pagbiyahe ng mga school service na may edad 15 pataas.
Ayon kay de Luna, noong isang taon pa nila hinihiling kay LTFRB Chairman Winston Ginez na magkaroon ng programa para naman uubrang pagkakitaan ng mga operator na umaasa lamang sa paggamit ng kanilang mga jeep bilang school service.
Bahagi ng pahayag ni ACTO President Efren de Luna
Mahigpit nang ipatutupad ng LTFRB simula ngayong araw na ito ang pagbabawal sa mga school service na may edad 15 pataas.
Binigyang diin ni LTFRB Chairman Winston Ginez na nabigyan na nila ng sapat na panahon ang school service operators noong isang buwan para sa paghuli sa mga matatandang school service.
Ayon kay Ginez, pagmumultahin nila ng P200,000 ang operator ng mahuhuling school service na may edad 15 taon pataas.
By Judith Larino | Balitang Todong Lakas