Paiigtingin ng Department of Health o DOH ang anti-rabies program ng ahensya ngayong taon.
Katunayan, ayon kay Secretary Janette Garin, mamamahagi ito ng libreng bakuna para sa mga hayop.
Sinabi ni Garin na 480 animal bite treatment centers sa Pilipinas ang makikinabang dito.
Nilinaw ni Garin na ang ipamimigay na libreng bakuna ay bunga ng ipinapataw na ‘sin tax’ sa sigarilyo at alak.
Pinayuhan naman ni Garin ang publiko na kapag nakagat ng alagang hayop, dapat ay magpakonsulta agad sa pinakamalapit na ospital upang malapatan ng tamang lunas.
By Jelbert Perdez