Pormal nang isasara ng Pilipinas ang ika-31 ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit and Related Meetings mamayang gabi.
Pero bago iyan, isasagawa muna ang ASEAN plus three commemorative summit alas 9:00 ngayong umaga na susundan naman ng ASEAN – Canada Commemorative Summit dakong alas 10:15 ng umaga habang alas 11:30 naman mamaya isasagawa ang ASEAN – EU Commemorative Summit.
Isang pananghalian din ang ihahain para sa mga pinuno ng ASEAN at dialouge partners nito na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang alas 12:30 ng tanghali.
Susundan naman ito ng East Asia Summit dakong ala 1:30 ng hapon at saka naman isasagawa ang Regional Comprehensive Economic Partnership Summit dakong alas 3:45 ng hapon.
Alas 5:00 ng hapon naman isasagawa ang ASEAN – India Summit at ang signing ceremony para sa ASEAN Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers dakong alas 6:15 mamayang gabi.