Nagkasundo ang ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na isulong ang mga programa para sa karapatan ng mga bata.
Kaalinsabay ito ng obserbasyon ng National Children’s Month ngayong Nobyembre.
Kabilang dito ang pagsuporta sa panukalang batas ni Agusan Del Norte 1st District Congressman Lawrence Fortun na gawing libre ang naantalang pagpaparehistro ng kapanganakan sa local government level.
Ayon kay Fortun, nakasaad sa United Nations Convention of the Rights of the Child (UNCRC) na karapatan ng isang bata ang mairehistro pagkapanganak at karapatan rin nya mula sa pagkapanganak na magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.
Batay sa datos na hawak ni Fortun, nasa 7.5-milyong Pilipino ang walang birth certificate na mahalaga para mapatunayan ang pagkatao ng isang mamamayan at sa naturang bilang, kalahati nito ay mga bata.