Opisyal nang inilunsad ng Pilipinas at ng European Union (EU) ang National Copernicus Capacity Support Action Program for the Philippines (COPPHIL) upang palakasin ang katatagan ng bansa mula sa mga kalamidad at pagbabago ng klima.
Layunin ng naturang programa na matiyak ang katatagan ng kabuhayan, natural ecosystem at populasyon laban sa mga natural na panganib at mga banta na nauugnay sa climate change gayon din ang paggamit ng mga tamang impormasyong mula sa datos ng Copernicus Earth Observation para sa paggawa ng desisyon at pagsubaybay sa pagpapatupad ng mga patakaran.
Tinatayang nasa 590 milyon ang ilalaan ng EU sa naturang programa na pangunahing ipatutupad ng DOST at Philippine Space Agency, sa pakikipagtulungan ng European Science Agency.