Isinusulong ng isang mambabatas ang paglalatag ng mga programa para sa mga senior citizens at persons with disabilities o PWD’s.
Sa House Bill No. 6250 ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, layon nitong bigyan ng mandato ang mga alkalde upang makapaglaan ng isang porsiyento ng Internal Revenue Allotment o IRA para sa Programs, Projects and Activities o PPAS ng mga matatanda at PWD’s.
Giit ni Vargas, mahalagang tutukan ang mga programa, proyekto, at mga aktibidad na makatutugon sa mga pangangailangan ng mga ito.
By Jelbert Perdez