Nakatakdang mag host ng isang (1) oras na programa sa radyo si Vice President Leni Robredo.
Simula Mayo 14, magkakaroon na ng radio program si Robredo sa DZXL na pinamagatang Biserbisyong Leni simula 9:00 ng umaga.
Inaasahang tatalakayin ni Robredo sa kaniyang radio program ang iba’t ibang usapin at mag a-alok ng legal service.
Magiging panauhin din sa radio program ni Robredo ang iba’t ibang resource persons depende sa magiging topic kada linggo.
Tatalakayin sa pilot episode ng radio program ni Robredo ang estado ng nutrisyon sa bansa gayundin ang pagdiriwang ng Mother’s Day.
By Judith Estrada – Larino