Inilunsad na ng Department of Agriculture o DA at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang “balik sigla sa ilog at lawa” o BASIL Program upang buhayin ang pitong (7) pangunahing lawa kabilang ang Laguna de Bay at anim (6) na pangunahing river basins sa bansa.
Isinabay ang launching ng programa sa ika-119 na anibersaryo ng DA sa municipal hall ng Los Baños, Laguna sa pangunguna ni Secretary Emmanuel Piñol.
Ayon kay Piñol, layunin ng BASIL na tatagal hanggang taong 2022 na ibalik ang dating sigla ng mga anyong tubig maging ang fisheries sector.
Tinatayang limang (5) milyong fingerlings na kinabibilangan ng tilapia, bangus at sugpo ang ipinamahagi bilang tulong sa mga mangingisda sa Laguna de Bay.
By Drew Nacino
Programang ‘balik sigla sa ilog at lawa’ inilunsad ng gobyerno was last modified: June 20th, 2017 by DWIZ 882