Inihayag ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na posibleng makapagbigay ng 1.7 milyong trabaho kada taon ang pagsusulong sa pabahay ng gobyerno.
Ayon kay housing secretary Jose Rizalino Acuzar, ang naturang bilang ay batay sa pag-aaral na mangangailangan ng walong manggagawa sa konstruksyon ng isang housing unit.
Kaugnay nito, target naman ng DHSUD ang nasa isang milyong housing units bawat taon.
Nakikita ng ahensya na malaki ang ambag ng naturang bilang ng trabaho sa pagsusumikap ng administrasyong bumawi mula sa epekto ng pandemya sa ekonomiya at sa pagsusulong ng 8-point economic agenda ng administrasyong Marcos Jr.
Ito, ayon sa DHSUD, ay magandang tugon sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority nitong Agosto na nasa 2.68 milyong Pilipino ang walang trabaho.—mula sa panulat ni Hannah Oledan