Itinuturing na ng mga residente ng Palawan ang island province na kanilang tahanan at malaking bahagi na ng kanilang pagkatao.
Kaya naman, kuwento ng midwife na si Narcisa Jagmis ng tribong Tagbanua na nalungkot sila nang matigil ang operasyon ng Barangay Irawan Birthing Facility nuong 2018 dahil sa ilang concerns sa requirements ng Department of Health.
Ayon kay Jagmis mula 2016 kung kailan naitayo ang naturang paanakan ay halos 10,000 residente na ng barangay at mga kalapit barangay kailang ang indigenous peoples ang naserbisyuhan nito.
Dahil dito, sumaklolo ang SM group sa pamamagitan ng social good arm nitong SM Foundation Incorporated para itayong muli ang Barangay Irawan Birthing Facility at buhayin ang pag asa ng mga residente na masasandalan muli ito sa oras ng pangangailangan.
Matapos mapasakamay ang mga kinakailangang lisensya sa pag operate muli ng birthing fascility inayos ng SM Foundation ang kabuuan ng nasabing paanakan ayon sa pangangailangan tulad ng mga kuwarto at espasyo para sa mga gamit, scrub up, breastfeeding, consultations, birthing clean up at sterilization gayundin ang labor at recovery wards.
Determinadong makatulong sa magandang kapaligiran ng Palawan at pagpapalakas ng commitment sa SM Green Movement ang isinulong ng SM Foundation ang rainwater harvesting system, isang kakaiba at bagong innovation sa SMFI Health and Wellness Center para sa sustainable water management bukod sa paglalagay ng energy efficient lighting fixtures at appliances.
Bahagi rin ng suporta ng SM Foundation sa pagpapaganda ng Barangay Irawan Birthing Facility ang paggamit ng locally sourced decorative plants na malaking tulong sa local enterprises sa paggamit ng air cleaning paints na may iba’t ibang kulay para mai-promote ang physical at emotional healing at dagdag tulong sa recovery process ng pasyente.
Ayon kay Dr. Ricardo Panganiban, Pinuno ng Puerto Princesa City Health Office, malaking hakbangin ang ginawa ng SM Group para makakuha ng lisensya mula sa DOH para muling makapag-operate ang nasabing birthing facility kasabay ang pasasalamat sa sm group.
Matapos ang tulong ng SM Foundation sa pagbangon ng Barangay Irawan Birthing Facility natutuwa ang midwife na si Jagmis na mailalapit na muli ang programang pangkalusugan sa mga residente at mailalaan na sa tamang pagkain at iba pang pangangailangan ang perang pinaghirapan para sa check up at gamot.