Ipinanawagan ni senatorial candidate at dating Vice President Jejomar Binay sa Department of Education ang paggawa ng programa para tugunan ang “Learning Gap” ng mga mag-aaral dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Binay, maraming mga mag-aaral ang hindi nakasabay sa online classes lalo na yung mga nasa probinsya dahil walang sariling computer o tablet o internet connection.
Aniya, dapat alamin ng DepEd ang antas nang kaalaman ng bawat mag-aaral at i-angat ang mga nahuhuli sa pamamagitan ng remedial learning program.
Si Binay ay tumatakbong senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).