Ikinabahala ng grupong Federation of Free Farmers Cooperatives (FFFC) ang projection ng U.S. Department of Agriculture (U.S. – D.A) na sasadsad sa 503 million metric tons ang global supply ng bigas.
Ayon kay FFFC National Manager Raul Montemayor, dapat nang tutukang maigi ng Department of Agriculture ang mga hakbang upang mapalakas ang produksyon.
Dapat din anyang ma-engganyo at himukin ng pamahalaan ang mga magsasaka na magtanim at pababain ang presyo ng abono.
Maaapektuhan din ang mga pinagkukunan ng pilipinas ng imported supply kaya’t nanganganib pang tumaas ang presyo ng bigas sa bansa.