Nakadagdag pa sa kalituhan ng publiko ang paglalabas ng OCTA Research Groups ng projections sa COVID-19 cases sa bansa.
Ito ang inamin ni DOH Spokesperson, Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa tanong ng House Committee on Good Government and Public Accountability kung nakatutulong ba ang OCTA sa kampanya kontra COVID.
Isinagawa ng kumite ang hearing upang siyasatin ang qualifications, research methodologies, partnership at composition ng OCTA.
Ayon kay Vergeire, na-pe-preempt ang ilang mahalagang impormasyon katulad pag-a-anunsyo na mayroongCOVID-19 surge.
Hindi lamang anya nakikipag-kumpetensya sa virus ang kagawaran kundi maging sa OCTA Research pagdating sa pagpapakalat ng tamang impormasyon.
Para naman maiwasan na ang issue, tiniyak naman ng DOH at OCTA ang kanilang pagtutulungan para sa iisang takbo ng mga datos.