Inihalintulad ng isang human rights group ang idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Human Rights Watch Legal and Policy o HRW Director James Ross, dapat ika-alarma ang proklamasyon ng martial law sa Mindanao maging ang maka-ilang ulit na pagbanggit ni Pangulong Duterte kay Marcos.
Tila nais anya ng Pangulo na buhayin ang multo ng nakaraan partikular ang pang-aabuso ng rehimeng Marcos sa mga mamamayan.
Hinimok naman ng HRW ang Kongreso at Supreme Court na harangin ang martial law na maaaring maging tulay ni Pangulong Duterte na umabuso sa kapangyarihan.
By Drew Nacino