Inihayag ng Commission on Election na kanilang sususpindehin ang proklamasyon ng mga kandidatong masasangkot sa vote buying o ang iligal na pagbebenta o pagbili ng boto.
Ayon kay Commissioner George Garcia, kung ang isang disqualification case batay sa vote buying ay isinampa bago ang proklamasyon, posible pang itigil o ipawalang bisa ng kanilang ahensya ang proklamasyon sa kandidatong mananalo sa eleksiyon.
Nabatid na bumuo ang Comelec ng Task Force na tinatawag na “Kontra Bigay” na pinamumunuan ni Commissioner Aimee Ferolino para tutukan ang vote buying at selling sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero