Naiproklama na ng Commission on Elections o COMELEC ang lahat nang nanalo sa nakalipas na barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, naideklara na nila ang lahat nang nagwagi mula sa 41,948 mga barangay sa buong Pilipinas.
Gayunman, paalala ni Jimenez kahit naiproklama na ang ilang opisyal maaari pa ring matanggal ang mga ito kung mapatutunayang lumabag sila sa Omnibus Election Code.
Kabilang sa posibleng rason ng pagkatanggal ang sobrang paggastos sa kampanya, pagbili ng boto at iba pang election offense.
—-