Ipinagpaliban ng COMELEC ang nakatakda sanang proklamasyon ng mga nanalong party-list group bukas, Mayo a – 19.
Ito, ayon kay COMELEC chairman Saidamen Pangarungan, ay dahil sa isasagawang special elections sa Lanao del Sur sa Mayo a – 24.
Magpapatuloy anya ang canvassing ng National Board of Canvassers (NBOC) sa party-list candidates sa Mayo a – 25 kaya’t ini-atras sa susunod na linggo ang proklamasyon.
Batay sa datos ng poll body, mayroong 11,557 na rehistradong botante sa bayan ng Tubaran, Lanao del Sur kung saan magsasagawa ng special elections sa susunod na linggo.
Samantala, nilinaw naman ni Comelec commissioner George Garcia na kailangang kanselahin ang proklamasyon dahil hatinggabi pa ng May 25 maipapadala ng Lanao del Sur Provincial Board of Canvassers ang resulta ng special election.
Sa ngayon, patuloy na nangunguna sa botohan ang ACT-CIS at 1-Rider party-list groups.