Target ng Commission on Elections (Comelec) na maiproklama na ang panalong senador at party-list groups sa susunod na linggo.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, ang natitira pang Certificates of Canvass (COCs) ay sasalang na sa bilangan ngayong araw.
Habang bukas o sa Lunes naman ang gagawing paghahanda ng ahensya para sa ikakasang proklamasyon ng mga nanalong indibidwal at grupo.
Ibig sabihin, posibleng sa Martes na iproklama ang 12 senador at partial winning party-list groups.
Nabatid na 149 mula sa173 COCs pa lamang ang nabibilang hanggang sa oras na ito.
Pero tiniyak naman ni Garcia na ang 24 pang natitirang uncanvassed COCs na mula sa manual overseas, Vulnerable Sector Office, mga barangay sa Lanao del Sur, at sa mga bansang Hong Kong at Jordan ay hindi makakaapekto sa kasalukuyang resulta ng boto.
Aniya, sapat na ang na-canvass na COCs para isakatuparan ang proklamasyon.