Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang promosyon ng sampung opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, kabilang sa mga na-promote bilang Vice Admiral sina Joseph M. Coyme, Ronnie Gil L. Gavan at Robert N. Patrimonio.
Mula sa pagiging Commodore, itinaas naman sa Rear Admiral ang ranggo ni Coast Guard spokesperson Armand Balilo.
Maliban kay Balilo, na-promote din bilang mga bagong Rear Admiral sina Gregorio I. Adel Jr., Hostillo Arturo E. Cornelio, Eustacio Nimrod P. Enriquez Jr., Edgardo T. Hernando, Rudyard M. Somera at Nelson B. Torre.
Samantala, hindi naman binanggit ni Garafil kung kailan o anong petsa nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang promosyon ng mga opisyal ng PCG.