Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi makakaapekto sa promosyon ng kanilang mga tauhan kung hindi pa nakakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ang nilinaw ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos kasabay ng pagpapatupad nila ng “No Vaccine, No Work” policy sa hanay ng pulisya.
Ayon sa PNP Chief, hindi naman requirement ng promotion ang bakuna sa halip ay sisikapin nilang makatulong ang mga hindi pa bakunado sa ibang pamamaraan.
Matatandaang, nakansela ang dapat sana’y promosyon ng isang opisyal ng pulisya sa Eastern Visayas matapos tumangging magpabakuna kontra COVID-19. —sa panulat ni Jam Tarrayo, sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)