Kinumpirma na ng Commission on Appointments (CA) ang promotion ng 17 opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kabilang sa mga kumpirmado na ang appointments sina Adonis Arial Orio sa ranggong Brigadier General, Wilbur Mamawag sa ranggong Major General, Alberto Cartlos bilang Vice Admiral, William Gonzales bilang Liuetenant General, Rommel Anthony Reyes bilang Vice Admiral, Glenn Jun Calambuhay bilang Brigadier General, Fermin Carangan bilang Brigadier General at Araus Robert Musico, Ignatius Patrimonio at Charlton Sean Gaerlan Pawang sa ranggong Major General.
Bukod pa ito kina Renato David bilang Rear Admiral, Jonas Lumawag bilang Major General, Francisco Tagamolia Jr. bilang Commodore, Marvin Licudine bilang Brigadier General, Camilo Ligayo bilang Major General, Consolito Yecla bilang Brigadier General at Romulo Manuel, Jr. bilang Major General.
Matapos ang pag apruba sa promotion ng mga nasabing AFP officials inamiyendahan ng mga mambabatas ang isang section ng CA rules at ipinakilala ang probisyong nagsasabing lahat ng appointments sa Department of Migrant Workers ay ie-endorso sa Committee on Labor, Employment and Social Welfare. – sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)