Makakauwi na sa kanyang tahanan sa La Vista Quezon City si dating Pangulo ngayo’y kongresista Gloria Macapagal Arroyo.
Ito’y makaraang ilabas na ng Korte Suprema ang kopya ng promulgated decision nito na nagbabasura sa kasong plunder na isinampa laban kay Ginang Arroyo kaugnay ng multi-milyong pisong anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Ayon kay Atty. Felipe Anama, Clerk of Court ng High Tribunal, agad inilabas ang kopya ng desisyon makaraang pumirma na ang lahat ng mga mahistrado na nagpapawalang sala kay Ginang Arroyo.
Magugunitang 11-4 ang naging resulta ng botohan ng mga mahistrado pabor kay Ginang Arroyo hinggil sa inihain nitong demurrer to evidence sa kanyang kaso.
By Jaymark Dagala | Bert Mozo (Patrol 3)