Isusumite na ni outgoing Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Agnes Devanadera ang mga proposal sa incoming administration na mapababa ang power rates.
Ayon kay Devanadera, kabilang sa panukala ang suspensyon ng excise tax on coal at petroleum at pagtanggal sa double vat imposition sa pass-on costs sa gitna ng walang prenong oil price increase.
Ito’y anya, ang pinaka-epektibong paraan upang mapababa ang singil sa kuryente dahil mararamdaman agad ito ng consumers at may maliit na epekto naman sa stakeholders.
Ipinunto ni Devanadera na kung pansamantalang sususpendihin ang excise tax sa ilalim ng train law, maaaring bumaba sa zero point 101 peso per kilowat hour ang rate reduction.