Sisimulan na ng Senate Committee on Finance ang pagbusisi sa panukalang budget para sa susunod na taon.
Sa Huwebes, nakatakdang busisiin ng komite ni Senador Loren Legarda ang budget ng Department of Trade and Industry (DTI) at mga attached agencies nito.
Kahit 4-day work week lang ang Senado, nakatakda namang busisiin sa Biyernes ang budget ng Department of Agriculture (DA) at mga ahensyang nasa ilalim nito.
Bagamat abala sa plenary debate sa BBL at filing ng COC o Certificate of Candidacy sa susunod na buwan, tiniyak ng liderato ng Senador na maaaprubahan ang panukalang 2016 budget bago matapos ang taong ito.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)