Inaprubahan na ng Kamara sa 3rd at final reading ang P3 trilyong pisong panukalang pondo para sa susunod na taon.
Sa botong 230-20, agad ipinasa ng mababang kapulungan ng Kongreso ang proposed national budget bunsod na rin ng sertipikasyon nito bilang urgent ni Pangulong Benigno Aquino III.
Nakatakda namang isumite sa senado ang House version ng budget para sa deliberasyon.
Dahil dito, maaari ng tutukan ng Kamara ang plenary debates sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) matapos ang congressional break simula ngayong araw hanggang November 2.
By Drew Nacino | Jill Resontoc (Patrol 7)