Tiniyak sa Malakanyang ni Senate President Franklin Drilon na maipapasa ng senado ang panukalang 3 trilyong pisong pambansang budget sa 2016 nang naaayon sa iskedyul nito tulad ng mga nakalipas na taon.
Ayon kay Drilon, malapit nang simulan ng senado ang deliberasyon sa plenaryo ukol sa proposed national budget makaraang matanggap ang 2016 General Appropriations Act Version ng kamara na nakapasa sa ikatlong pagbasa noong Oktubre 19.
Maliban dito, sinabi Drilon na maliban sa 2016 budget, kabilang din sa pangunahing agenda ng senado ang panukalang Bangsamoro Basic Law upang ito aniya ay maipatupad na sa susunod na linggo.
Nangako si Drilon na magsisikap ang senado upang maipasa ang naturang mga panukalang batas bago pa matapos ang taong 2015.
By Ralph Obina