Isinasapinal na ng Department of Budget and Management o DBM ang panukalang P3 trilyong pisong pambansang budget para sa susunod na taon.
Ito’y bago pormal na isumite ang panukala sa kongreso sa pagbubukas ng sesyon kasabay ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino sa Hulyo 27.
Ayon kay Bugdet Secretary Florencio Butch Abad, partikular na pinaplantsa sa nasabing proposed national budget ang mga typographical error.
Binigyang diin naman ni Abad na nakasaad sa nasabing panukala ang consolidation ng lahat ng mga sinimulang reporma ng administrasyon bilang isang matatag na pundasyon para sa pagpapatuloy nito sa susunod na administrasyon.
By Jaymark Dagala