Hiniling ng liderato ng Kamara kay Pangulong Benigno Aquino III na sertipikahan bilang urgent bill ang panukalang P3-trillion national budget para sa susunod na taon.
Ito ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales ay para maaprubahan ng mababang kapulungan ang pambansang pondo sa 3rd and final reading bago magbakasyon ang Kongreso simula sa October 10.
Target ng Kamara na ipasa sa 2nd reading ngayong huling linggo ng sesyon ang 2016 budget. Subalit, ayon kay Gonzales, maaari na rin nila itong aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa kung masesertipikahang urgent ng Pangulo.
Matatandaan na siniguro na rin ni House Speaker Feliciano Belmonte na ipapasa nila sa 2nd reading ang General Appropriations Bill sa darating na Biyernes.
Itutuloy umano nito ang text brigade sa mga kongresista para matiyak na may quorum sa plenary debates.
Ito ay dahil simula noong nakaraang linggo, ay maghapon ang sesyon ng kamara para mapagtibay ang 2016 budget.
By Mariboy Ysibido