Posibleng sa Biyernes ay ma ratipikahan na ang General Appropriations Bill upang maging epektibo na ang halos apat na trilyong pisong national budget para sa taong ito.
Itutuloy bukas, Miyerkules ng Bicameral Conference Committee ang pagdinig para ma plantsa na ang mga hindi napagkakasunduan ng mga mambabatas kaugnay sa pambansang budget.
Ayon kay Senador Loren Legarda, chairperson ng committee on finance, naging maayos naman ang huling pag uusap nila ni House Committee on Appropriations Chair Rolando Andaya, Jr.
Kapag nagkasundo na ang Senado at Kamara, mararatipikahan na sa Biyernes ang panukala kaugnay sa national budget ng bansa.
Subalit kung hindi pa rin magkakasundo ang dalawang kapulungan, sinabi ni Senate President Tito Sotto ay re enacted budget na lamang talaga ang pagaganahin ngayong taon.
Sa pagbubukas naman aniya ng 18th congress sa hulyo ay maaari pa namang muling matalakay ang nasabing 2019 budget.