Inaasahang isusumite na sa Kamara ngayong araw ng Economic Managers sa pangunguna ng Department of Finance at Department of Budget and Management ang panukalang P5.024-T National Budget para sa taong 2022.
Layunin nitong maipagpatuloy ang “build, build, build program” ng Duterte administration at palakasin ang health at economic program upang tuluyang makarekober ang bansa sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa budget ang P45-B na inilaan para sa pagbili ng booster shots laban sa COVID-19.
Isusumite ang 2022 National Expenditure Program kay Speaker Lord Allan Velasco.
Ang proposed national budget sa susunod na taon na ang pinaka-malaking pondo ng gobyerno sa kasaysayan. —sa panulat ni Drew Nacino