Inaprubahan ng Senate Finance Subcommittee ang panukalang 25.899 billion peso budget ng Department of Labor and Employment para sa taong 2023.
Kabilang sa hinihiling na budget ang 14.884 billion pesos para sa tulong panghanap buhay sa mga disadvantage o displaced workers program para sa 1.773 milyong benepisyaryo habang 2.5 billion pesos naman para sa DOLE Integrated Livelihood Program para matulungan ang 79, 836 na benepisyaryo at 2.374 billion pesos para sa Employees Compensation Program para sa 327,890 benepisyaryo.
Ayon kay DOLE Undersecretary Benjo Benavidez, ang 2023 proposed budget ng kagawaran ay 11 billion pesos o 29.9% na mas mababa kumpara noong taong 2022.
Sa ilalim ng panukalang budget ang Professional Regulations Commission ay makakakuha ng 1.6 billion pesos, ang National Labor Relations Commission ay tatanggap ng 1.382 billion pesos, ang National Conciliation and Mediation Board ay magkakaroon ng 275,591 pesos, habang ang National Wages and Productivity Commission ay 271,402 pesos at ang Institute for Labor Studies ay 55,586 pesos. —sa panulat ni Jenn Patrolla