Tinapyasan ng 1.3 billion pesos ng kongreso ang panukalang budget ng MMDA sa taong 2023.
Sa ilalim ng 2023 proposed budget, aabot sa 4.38 billion pesos ang pondo ng MMDA kumpara sa kasalukuyang 5.67 billion pesos.
Sa kanyang pagharap sa House Appropriations Panel, inihayag ni MMDA director Michael Gison, na nagpresenta ng budget ng ahensya, na walang alokasyong ibinigay sa kanila para sa health, sanitation, urban migrating at renewal projects.
Sa panig naman ni MMDA traffic discipline office director Neomie Recio, aminado itong maaapektuhan ang traffic management, partikular ang mga streetlights at footbridge projects dahil sa binawas na pondo.
Batay sa orihinal na budget proposal, aabot sa 8.4 billion pesos ang inilaang pondo para sa MMDA.