Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang gabinete ang panukalang 3.757 trillion pesos na pambansang budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ang 2019 proposed national budget sa nangyaring cabinet meeting kahapon sa Malacañang.
Bahagyang mababa ang nasabing panukalang national budget sa kasalukuyang 3.767 trillion na pondo para ngayong 2018.
Samantala pinakamalaking bahagi ng pondo ay inilaan para sa personnel services na aabot sa 1.185 trillion pesos.
Plano ng administrasyong Duterte na maisumite ang 2019 proposed national budget sa Hulyo 23 kasabay ng State of the Nation Address o SONA ng Pangulo.
—-