Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposed P3.767 trillion national budget para sa susunod na taon sa ginanap na cabinet meeting noong Lunes, Hulyo 3.
Mataas ito ng 12.4 percent mula sa kasalukuyang P3.35-trilyong pambansang pondo.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, pinaplantsa na lamang ang 2018 national budget para maisumite sa Pangulo sa mismong araw ng kanyang ikalawang SONA o State of the Nation Address sa Hulyo 24.
Nabatid mula kay Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang Department of Education o DepEd ang may pinakamataas na alokasyon para sa susunod na taon.
Ang iba pang ahensya na may malaking parte ng proposed national budget ay ang Department of Public Works and Highways; Department of Interior and Local Government; Department of Health; Department of Social Welfare and Development; Department of Agriculture; at ARMM at Department of Environment and Natural Resources.
Inaasahang isusumite sa Kongreso ang 2018 proposed national budget na inaasahang bubusisiin ng mga mambabatas bago tuluyang aprubahan.
By Meann Tanbio
Proposed 2018 budget aprubado na ni Pangulong Duterte was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882