Lusot na sa Bicameral Conference Commitee ang proposed 3.35 Trilyong Pisong National Budget para sa susunod na taon.
Ito ay matapos na paburan ng House Bicameral Panel ang pag tapyas sa 8.3 Billion na Lumpsum Budget ng Department of Public Works and Highways na una nang tinanggal mula sa budget ng ARMM.
Ayon kay Committee on Finance Vice Chairman Senator Panfilo Lacson, lumalabas na Pork Barrel ang naturang budget na lalabag sa ruling ng korte na nagbabawal sa ganuong klase ng budget
Hindi aniya maaring pagkagastusan ng DPWH ang mga proyekto dahil may sarili itong ahensya para gumawa nito sa ilalim ng ARMM.
Ipinasya na ibigay na lamang ang nasabing halaga sa State Universities at Commission on Higher Education laan para mabigyan ng scholarship ang mga mahihirap na istudyante.
By: Rianne Briones/ Cely Bueno