Tinutulan ng Philhealth Board of Directors ang ilang collateral na nagkakahalaga ng 37.5 million pesos para sa ika-30 anibersaryo ng ahensya sa susunod na taon.
Ayon sa Department of Health, ginawa ang desisyon upang matipid ang pondo ng pamahalaan at matiyak ang tamang alokasyon para sa benepisyo ng mga miyembro ng PhilHealth.
Kabilang sa mga popondohan sa nasabing halaga ang payong, tote bags, anniversary at marketing shirts, jackets at button pins.
Sinabi ng DOH na nakarating sa PhilHealth Board of Directors ang proposal nitong lunes lamang at kaagad itong vineto.
Una nang itinanggi ng ahensya na gumastos ito ng 138 million pesos para sa kanilang Christmas party, dahil budget anila ito para sa buong taon at paggunita sa kanilang 30th anniversary sa 2025. – Sa panulat ni Laica Cuevas