Matagumpay ang taong 2024 sa Department of Justice matapos tumaas ang bilang ng mga napanagot ng pamahalaan sa batas.
Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, pumalo sa 78 percent ang prosecution success rate nuong nakaraang taon.
Mas mataas anya ito kumpara sa average na 26% nuong bago pumasok ang Marcos administration.
Ipinunto ni Usec. Vasquez na bunsod ito ng implementasyon ng case build up at mas mataas na degree of proof kaya naman gumanda ang lahat ng mga pamamalakad at pagsugpo sa krimen.
Binigyan-diin pa ng DOJ Official na nakatutok sila sa paghuli sa mga totoong kriminal; pantay na pagpapatupad ng batas, at pagsisiguro na ligtas ang mga inosente mula sa gastos at abala na maiidudulot ng paglilitis, dahil sa mga hindi seryosong reklamong ihahain sa korte. – Sa panulat ni Kat Gonzales