Binuntunan mula sa Laguna ng mga suspek bago pinaslang si Manila Prosecutor Jovencio Senados.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na batay sa imbestigasyon ng NBI nakita sa CCTV footage na sinundan ng mga suspek mula laguna si Senados at napatunayang peke ang plaka ng sasakyang ginamit ng mga suspek.
Nakakuha na rin aniya ang nbi ng kopya ng report at mga litrato mula mismo sa mga pulis na nag imbestiga sa krimen.
Ayon kay Guevarra inaasahan niya ang progress report ng NBI sa linggong ito hinggil sa nangyaring pagpatay kay 62 taong gulang na hepe ng inquest division ng Manila Prosecutors Office.
Una nang inihayag ni Guevarra na ilang kontrobersyal na kaso ang hinawakan ni Senados na maaaring nagdulot ng matinding peligro sa buhay nito.