Inatasan ng Department of Justice o DOJ ang mga prosecutor na i-atras ang mga kasong maliit lamang ang tsansang maipanalo.
Base sa Department Circular No. 008, binanggit na layunin nitong mapaluwag ang court dockets at maisulong ang mga kasong mataas ang posibilidad na magkaroon ng conviction.
Bukod dito, inatasan din ang mga prosecutor na i-asssess nang mabuti ang mga hawak nilang kaso upang mabatid kung minipis o hindi ang tsansang maipanalo, batay sa hawak na ebidensya, availability ng mga tesitigo, at interes ng mga private complainant.
Samantala, binigyang diin ni DOJ spokesperson Mico Clavano na nasasayang lamang ang government resources sa pagsasampa ng mga mahihinang kaso.