Pinasasagot ng Sandiganbayan ang prosecution sa urgent motion ni Janet Napoles na mailipat ng kulungan sa safehouse ng Witness Protection Program.
Sampung araw ang ibinigay ng Sandiganbayan sa prosecution upang kontrahin o paboran ang hiling ni Napoles.
Isinumite ni Morales sa Sandiganbayan ang Certification ng Department of Justice na may lagda ni Senior Assistant State Prosecutor Ma. Nerissa Molina-Carpio kung saan nakasaad na pansamantalang isinailalim sa Witnerss Protection Security and benefit program si Napoles simula pa noong February 27 ng taong ito.
Ayon kay Atty. Stephen David, abogado ni Napoles, sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa ng DOJ ang mga affidavits ni Napoles at sakaling mapatunayang credible ay tuluyan na siyang ipapasok sa WPP.
Binigyang diin ni David na mga miyembro ng Liberal Party ang mastermind sa pork barrel scam pero hindi nakasuhan nuong nakaraang administrasyon.
Maaari aniyang kasuhan si Napoles bilang kasabwat subalit hindi bilang mastermind.
Atty.David kinausap si ES Medialdea at Aguirre para hilingin mailipat agad sa DOJ custody si Napoles matapos ma-approve ang provisional WPP application nito,pero tumutol ang 2 dahil kailangan pa daw ng Sandiganbayan court decision sa gustong mangyari ng abugado @dwiz882
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) March 19, 2018