Sinimulan na ng House Committee on Legislative Franchises ang proseso para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon kay Cong. Franz Alvarez, chairman ng komite, pinagsusumite nila ng position paper ang lahat ng mga kontra at pabor na i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
At habang tumatakbo anya ang proseso, nakikipag ugnayan rin sila sa National Telecommunications Commission (NTC) upang matiyak na tuloy-tuloy ang pag broadcast ng ABS-CBN kahit mawalang bisa na ang kanilang prangkisa sa katapusan ng Marso.
Sinabi ni Alvarez na hindi na bago ang ganitong sitwasyon dahil nangyari na ito sa sa Radyo Veritas na hinayaan lang ng NTC na mag operate habang tinatalakay ang renewal ng kanilang prangkisa —ulat mula kay Jill Resoctoc (Patrol 7).