Patuloy ang proseso ng pag-aayos ni Donita Rose at dating asawa sa kanilang annulment dahil sa Filipino citizenship ng aktres.
Ito ayon kay Donita ay bagamat divorced na sila ni Eric Villarama noon pang Disyembre ng nakalipas na taon.
Pero nilinaw ni Donita na nagko-coparenting sila ni Eric sa anak na si JP.
Tila napagtanto aniya nila ni Eric na isantabi na muna ang mga naging isyu nilang mag-asawa at mag-focus na lamang sa pag-aalaga sa kanilang anak.
Inamin ni Donita na nakapag-move on na siya matapos niyang payagan ang anak na makipagkita sa ama nito sa Amerika sa loob ng tatlong buwan.
Sinabi ni Donita na naging daan na rin ang pagkikita ng mag-ama para magamot ang pagiging homesick ng kanyang anak sa tatay nito.
Iginiit naman ni Donita na marami namang father figure sa Pilipinas ang anak niya.
By Judith Larino
Photo: realdonitarose / Instagram