Isinusulong ngayon ni Senadora Grace Poe ang pagpapabilis ng proseso ng pag-aampon sa bansa.
Ayon kay Poe magiging “administrative in nature” na ito o ang ibig sabihin ay hindi na kailangan pang dumaan sa Korte ang proseso ng pag-aampon.
Batay kasi sa umiiral na batas kaugnay sa pag aampon, sumasailalim pa ito sa kapwa judicial at administrative procedures na nagpapabagal sa proseso.
Bukod pa rito, ang mga nasabing proseso rin aniya ang dahilan kung bakit mahal ang pag-aampon sa Pilipinas.
Samantala, tiniyak naman ni DSWD Officer In Charge Emmanuel Leyco na handa sila anomang oras na tumalima sa panukala ng Senadora kapag naging ganap na itong batas.
Posted by: Robert Eugenio