Mas pinaikli ng Commission on Elections (COMELEC) ang proseso ng on-screen verification features sa vote counting machines (VCMs).
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, isang segundo na lamang ang ibibigay ng COMELEC sa mga botante upang rebyuhin ang kanilang ibinoto na lalabas sa on-screen verification mula sa dating 15 segundo.
Ito’y upang hindi na madagdagan pa ng apat na oras ang kabuuang proseso ng pagboto sa Mayo 9.
Sinabi ni jimenez na tila redundant o mauulit na rin kasi ang pagtiyak sa mga ibinoto ng isang botante sa pamamagitan ng on-screen verification dahil mayroon na aniyang voter’s receipt.
Sa ilalim ng proseso ng on-screen verification, makikita at mabi-verify muna ng mga botante kung tama ba ang pagkakabasa sa kanilang mga boto ng mga VCM.
By Meann Tanbio | Allan Francisco (Patrol 25)